dahil sa kabatuhan sa opisina gumawa ako ng FAQ's(Frequently Asked Questions) about my hair. Ü
gaano katagal na yang hair mo?
sa kasalukuyang pagsusulat ng dokyumentong ito, mga limang taon na siya. nagsimula ako magpahaba nuong pagkatapos ng aking ROTC.
bakit ka nagpahaba?
kasi kaya ko at pangarap ko ng bata ang mahaba buhok. bawal kasi sa high school ang magpahaba.
hangang kelan mo papahabain buhok mo?
uhmm, pag nagsawa na ako. o kaya pag tinopak.
binalak mo na bang magpagupit?
kasi nirequired ng makulit kong proffesor ko nung ako ay nagaaral dati na magpagupit ako sa kanyang klase, pero dahil ako ay isang batang matigaas ang ulo di ako nagpagupit.
totoo ba yan?
oo, pramis.
ano shampoo mo?
pantene(age defying shampoo, color orange).
nagcoconditioner ka ba? anong brand?
oo, creme silk(color blue)
gaano daming sachet gamit mo sa isang liguan?
wala, di dahil sa hindi ako naliligo dahil kasi di naman ako nagsasachet. ang gamit ko sa bahay yung bote.
gaano katagal ka maligo?
depende, average of 30 min.
pano ka natutulog?
nakapikit.
panu ka pumupoopoo?
shempre nilalagay ko sa harap yung buhok ko. pero pwede din shang pamunas pag walang tissue.
nagsusuklay ka pa ba pagkaligo?
oo, bago pa ako lumabas ng banyo, sinusuklay ko na siya.
pano ka nagshashampoo?
ganito. (*ginalaw ang kamay*)
nag-gegel ka ba? at bakit?
nung maikli lang buhok ko dun lang ako nag-gegel. ngaun di na.
may balak ka bang magpakulot? bakit?
wala. di ko lang type.
may balak ka bang magpakulay? bakit?
wala din. mas gusto ko kasi natural lang.
nagpaparebond ka ba?
inde, di ako rich.
yang white hair na yan dati pa ba yan o simula lang nagpahaba ka?
sa pagkakatanda ko, nung kinder pa lang ako may white hair na ako. nasa genes yan, katulad sa aking mama.
bakit pati balbas pinahaba mo?
idol ko kasi yung isang ermitanyo samin. pero sa totoo para di ako mapagkamalang babae, pero yung iba makulit talaga.
lagi ka bang napagkakamalang babae pag nakatalikod?
minsan nga pagnakaharap. minsan nga sa bus, miss ang tawag or mam.
ano sinasabi mo pag nasabihan kang ganun?
pre, bayad *tono ni kuya dick*.
nadisgrasiya ka na ba dahil sa hair mo? tipong nasasabit?
di pa naman, pero one time nung pagtayo ko di ako makatayo, naupuan ko pala buhok ko.
nagkakuto/garapata ka na ba?
hindi pa naman. pero may aso kami na may garapata.
ano advantage ng mahaba buhok?
iwasin sa hold-up. pinagtitinginan ng mga tao?
wala ka bang nadidinig sa mga tao pag napapadaan ka?
madami, pero nakikinig kasi ako madalas sa mp3. mga common na sinabi nila ay:
ganda, dulas(ala ricky reyes) *joke lang*
haba naman ng hair
gwapo naman nun
miss...
Saturday, July 12, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)